Laguna, May Posibilidad na Ideklarang under State of Calamity

Agarang nagsumite si Gov. Ramil Hernandez ng endorso na ideklara ang Probinsya ng Laguna under State of Calamity matapos ang mapinsalang baha at landslide dulot ng bagyong Lannie at Tropical Depression Maring.

Sa kasalukuyan mayroon na pong naitala na 828 pamilya ang nasa mga evacuation centers, 4,140 individual at 6 na naiulat na nawawala o missing.

Antabayanan ang iba pang ulat sa pagdeklarang State of Calamity sa Laguna


Source (https://www.facebook.com/GovRamil)



Dalawang Truck Nagbanggaan sa Brgy. San Nicolas San Pablo City

Isang tawag ang natanggap ng CDRRMO San Pablo  na may naganap na aksidente na kinasasangkutan ng dalawang truck sa Brgy. San Nicolas kaninang madaling araw ika 31 ng Agosto.

Ang biktima na lalake ay nasa idad na 22 at kasalukuyang nakatira sa San Luis Pampanga ay agtamo ng mga gasgas na agad namang mabigyan lunas ng mga tauhan ng CDRRMO San Pablo City.

Sa kasalukuyan ay ligtas na ang mga biktima at malinis na ang  pinangyarihan ng aksidente.

Isang paalala mula sa Ama ng Lunsod ng San Pablo, Mayor Loreto “amben” S. Amante, mag-ingat sa pagmamaneho at ano mang uri ng sakuna. Maging laging handa para sa mas ligtas na lunsod ng San Pablo. Ang po tanggapan ng CDRRMO San Pablo ay bukas 24/7 kung sakaling kakailanganin o magkakaroon ng emergency, maaari po kayong tumawag sa numero: (049)800-0405

(PHOTO BY CDRRMO San Pablo)






Dalawang bata patay sa sakit na Japanese encephalitis sa Laguna

Dalawang kaso ng kinatatakutang sakit na Japa­nese encephalitis ang naitala sa lalawigan ng Laguna.

Sinabi ng provincial health office ng Laguna na dalawang mga bata ang namatay sa Japanese encephalitis, isang sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok. Ayon kay Dr. Rene Bagamasbad, Laguna health officer, na kabilang sa mga nasawi ay anim anyos na batang lalaki sa San Pablo City at isang siyam-anyos na batang lalaki sa bayan ng Calauan.

Inilagay na ang Calauan at San Pablo City sa imbestigasyon ng health office.

Ilan sa mga sintomas nito ay sakit sa ulo, lagnat, pagsusuka, at hirap sa paggalaw. Sa ngayon, wala pang gamot sa nasabing sakit pero may mga gamot at bakuna para maiwasang tamaan nito.

Payo rin ng mga doktor na kaagad magpakonsulta sa mga espesyalista kapag nakitaan na ng sintomas.

2 Closed Van Nagbanggaan sa San Pablo City

Isang tawag ang natanggap ng CDRRMO San Pablo na agad nilang pinuntahan kung saan dalawang Closed Van ang nagsalpukan bandang alas 3 ng madaling araw ng  ika 22 ng Agusto taong kasalukuyan sa Brgy. San Rafael, San Pablo City

Kaagad nabigyan ng paunang lunas ang mga biktimang sina King David Delo Santos 26 years old taga Pampanga at si Von Ryan Dela Cruz na taga Balanga, Bataan 19 yrs.old parehong Lalake.

Sa kasalukuyan ay agad na ding nalinis ang pinangyarihan ng aksidente na nagdulot ng trapiko sa nasabing lugar.

Isang paalala mula sa Ama ng Lunsod ng San Pablo, Mayor Loreto “amben” S. Amante, mag-ingat sa pagmamaneho at ano mang uri ng sakuna. Maging laging handa para sa mas ligtas na lunsod ng San Pablo. Ang aming pong tanggapan, CDRRMO San Pablo ay bukas 24/7 kung sakaling kakailanganin o magkakaroon ng emergency, maaari po kayong tumawag sa numero: (049)800-0405








(Photo Credits to CDRRMO San Pablo)

Students, caught growing and selling marijuana in Laguna

College students Dulce Amor Carcosia a senior veterinary medicine student of the University of the Philippines Los Baños (UPLB), and her boyfriend, Joshua Gregorio, an information technology student of Laguna State Polytechnic University (LSPU), were caught growing and selling Marijuana. The police, armed with a search warrant, found more than 20 plastic and paper cups with marijuana seeds and seedlings in it, along with a glass pipe and a weighing scale, when they raided the suspects’ apartment unit on Palm Drive in Barangay Batong Malake at 3 a.m. on Wednesday. The police filed charges of illegal possession and cultivation of marijuana, a nonbailable offense, against the couple on Thursday.