Danny Young Updates

Dumanak ang karahasan sa isang pista sa San Pablo City, Laguna matapos mapatay sa ambush ang apat katao kabilang ang isang konsehal sa Brgy. Bautista kagabi.

Nakilala ang mga nasawi na sina Councilor Danny Young, ang bodyguard nitong si Brando Delos Santos at ang dating barangay chairman na si Manolo Barcena… patuloy namang ginagamot ang isa pang tauhan ni Young na si Jovy Lopez at ang binatilyo na si Michael na tinamaan ng ligaw na bala.




Nabatid na dadalo sana ng amateur singing contest sa Bautista Elem. School ang mga biktima nang pagbabarilin ng limang suspek gamit ang kalibre 45 baril.

Nakipagpalitan din ng putok ang kampo ng naturang opisyal kaya napatay din ang isa sa mga salarin na wala pang pagkakakilanlan.

Mabilis namang nakatakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Malaki ang hinala ng pulisya na pulitika ang motibo ng pamamaslang.
SOURCE: http://rmn.ph/

0 comments: