9:11 PM
San Pablo City – Kabilang ang Maria Paz Royale Garden Resort ng Brgy. Sta. Filomena, The Coco Palace Hotel ng Brgy. San Francisco, Palmera’s Garden Restaurant ng Brgy. San Rafael, Sulyap Gallery CafĂ© ng Brgy. Del Remedio at Exact Petroleum (TOTAL) Service Station ng Brgy. San Rafael sa mga nahirang sa gaganaping “12th Search for the Best Tourism Establishments in the Province of Laguna”.

Ang parangal ay gaganapin sa FAITH Training Center, Provincial Capitol Compound, Sta. Cruz, Laguna sa darating na March 12, 2010, sa ganap na ika-5:00 n.h. Ito ay sa pangunguna ng Provincial Tourism Office sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Teresita s. Lazaro .

Ang araw ng parangal ay maituturing na isa sa highlights ng Anilag Festival, ang tinuturing na “Mother of All Festivals in Laguna” kung saan ay nasa ika-6 na taon na ng selebrasyon at dalawang beses ng naparangalan bilang “Philippines’ Best Tourism Event for 2009” . (CIO-SPC)

SOURCE: http://balitangpabloy.blogspot.com/2010/02/best-tourism-establishments-sa-laguna.html


0 comments:

Post a Comment