SM SAN PABLO JOB FAIR

San Pablo City-Gaganapin sa darating na April 6-7, 2010 ang jobs fair para sa mga job vacancies ng ilang retail store ng SM Department Store na itinatayo sa lunsod. Ito ay gaganapin sa PAMANA Hall, City Hall Cpd. mula 8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h.

Ang mga job vacancies ay para sa Pharmacist, Assistant (store operations/warehouse/pharmacy); office assistants (accounting, treasury/human resources); sales clerks/store clerks at delivery drivers.

Ayon kay PESO Manager Loreto Amante na ang ilang retail affiliates na nangangailangan ng mga applicants ay ang Baby Co., SM Appliance Center, Kultura Filipino, Watsons, SM Home World, Surplus Shop, Toy Kingdom, Supplies Station, Hardware Workshop, Sports Central, Ace Hardware at Signature Lines Inc.

Magdala lamang ng resume at recent picture sa nasabing jobs fair o maaaring itong i-email sa Recruit.HRAff.HO@sm-shoemart.com.

SOURCE: http://balitangpabloy.blogspot.com/2010/03/sm-dept-store-retail-affiliates-jobs.html


0 comments: