DLSP ENROLLEES TUMAAS

San Pablo City - Tumaas ng bahagya ang bilang ng mga mag-aaral ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo na nakapagtala ng kabuuang 3,483 enrollees para sa First Semester 2010-2011. ang humigit kumulang na 1,783 dito ay mga bagong estudyante sang-ayon sa records ng College Registrar na si Bb. Vrenali R. Tolentino.

Isa sa nakikitang dahilan kung bakit patuloy na ipinagkakatiwala ng mga magulang ang paghubog sa kinabukasan ng kanilang mga anak sa DLSP ay dahil sa maayos at de kalidad na edukasyong ibinibigay nito bukod pa sa abot-kayang halaga ng tuition fee nito kumpara sa ibang unibersidad.

Ipinagbigay alam naman ni Dr. Edelio B. Panaligan, OIC-College Administrator na bagamat halos libre ang edukasyon rito at patuloy sa paglaki ang populasyon ng DLSP ay kanila pa ring sinisiguro na mahigpit nilang binabantayan ang kalidad ng edukasyon dito. Sinisiguro rin ng pamunuan nito sa pangunguna ni Mayor Vicente B. Amante, Chairman of Board of Trustees ng DLSP, na maayos ang mga pasilidad para sa mga guro’t mag-aaral at hindi ito pahuhuli sa ibang karatig na mga unibersidad sa loob at labas ng lunsod.

Matatandaan na ang DLSP ay nagsimula sa adhikain ni Mayor Amante na naglalayong hubugin ang kaalaman at kasanayan ng bawat kabataang San Pableno. Sa kasaluyan, patuloy ito sa pagtupad sa tungkulin nitong makapagbigay ng isang de-kalidad na edukasyon sa lahat ng mga kabataang nagnanais na makatapos ngunit kapos sa pangtustos ang mga magulang.

Ang DLSP ay mayroong mga kursong tulad ng Bachelor of Arts in Economics, Bachelor of Science in Business Administration, Bachelor of Secondary Education, Bachelor of Elementary Education, Hotel and Restaurant Management at Information Technology.

Mayroon na rin ditong mga Vocational Courses para sa mga nagnanais ng mga mabilisang kurso na agad ay pwedeng pagkakitaan katulad ng Diploma in Automotive Mechanics, Diploma in Consumer Electronic Servicing, Diploma in Hardware Servicing At Diploma in Software Servicing..(CIO-San Pablo)

0 comments: