EX-MAYOR ZACARIAS A. TICZON, PUMANAW NA SA EDAD NA 90

Pumanaw na ang dating Mayor ng Lunsod ng San Pablo na si Atty. Zacarias A. Ticzon sa edad na 90 years old nuong Biyernes, June 11, 2010. Si Ex-Mayor Ticzon o mas kilala rin sa katawagang “Ma Caring” na isinilang nuong July 6, 1920 ay humawak ng ilang posisyon sa Pamahalaang Lunsod.

Sa panunungkulan ni Appointed Mayor Artemio B. Fule siya ay naging Secretary to the Mayor mula 1953-1954. Naging City Councilor naman siya mula January 1, 1956 hanggang December 31, 1959.

Si Mayor Ticzon ang unang Elected Vice-Mayor nuong January 1, 1960 at nanilbihan hanggang December 31, 1963. Naging Mayor naman siya nuong January 1, 1964 hanggang December 1967.

Pagkatapos nito ay muli siyang nanungkulan bilang OIC Mayor nuong April 2, 1986 hanggang March 31, 1988. Nahalal naman siya bilang Mayor nuong June 30, 1988 at nanilbihan hanggang June 30, 1992. (CIO-SPC)

0 comments: