188 Biktima ng "Dengue" sa S.P.C

Batay sa dokumento ng galling sa CHO, City Health Office ng lunsod ng San Pablo na may Petsang ika-22 ng Hulyo 2010 ay grabe na ang pagkalat ng sakit na Dengue, Sinasabi sa datus na sa walumpong (80) Barangay apatnapo at siyam (49) na ang apektado nito. Dalawampot walo (28) rito ay rural at dalawangpo at isa (21) ay urban, sa isang daan at walumpot walong (188) biktima pinakamataas na naitala ay sa una. Nanguna ang Brgy. San Crispin na 54 na bilang, pangalawa naman sa Brgy. San Francisco na may 22 at pangatlo ang Brgy. del Remedio na may 14. Karamihan sa biktima ay mga bata subalit wala namang napaulat na nasawi.

Ayon sa pananaliksik ng Sanidad sa Brgy, San Crispin isang uri ng halaman na may malalaking dahon na tulad sa Piña (Bermuliad) ang tinitinggalan ng tubig ulan ang siyang pinangingitlogan ng mga lamok na Dengue carrier. Anila hindi sapat ang fogging at simpleng operation linis ng mga taga Barangay. Dapat siguruhing walang tubig na malinis ang maiimbak o tubig ulan sa isang lalagyan gaya ng mga lata, sirang gulong, at iba pa.

Samantala napag-alaman natin na sa nakaraang bagyo (Basyang) 41 pamilya na binubuo ng 260 katao ang
apektado ng landslide dulot ng nasabing bagyo. Dahil dito nangalap ng mga relief goods ang buong puwesa ng PNP San Pablo sa pamumuno ni P/Supt Ferdinand de Castro. Isinugo ni de Castro sina, P/Insp Rolando A. Liben DCOP for Admin & POR, PO3 Vilma V. Lumbera Admin PNCO at PO2 Alma H. Gapunuan, sa nasabing lugar upang ibigay ang nabanggit na tulong na kinabibilangan ng mga de lata, noodles, damit, tsinelas, at mineral water. Malugod at nagpapasalamat na tinanggap nina Barangay Kagawad Alex Lozada, Tony Becina, Ferdie Malveda, Dick Arceo, Brgy. Secretary Belino Belen, Treasurer Mylen Cosico at Elesio Guevarra Hepe ng Brgy. Tanod.

Nagbigay din ng isang panawagan si Sir Libed sa mga Brgy, Opisyal para sa lahat ng bataan n may edad 17-21 na nagnanais maging Pulis. Ayon sa kanya ito ay may allowance at libreng matrikula sa Police Academy. Ganoon din sa lahat ng lalaki at babaeng nakatapos na ng 4 na taong kurso ay puwedeng maging pulis kung nais nila. Magsadya lamang sa tanggapan ng ating Kapulisan kung saan siya ay naninirahan para sa iba pang impormasyon at detalye ng mga kailangan.

(Iring Maranan)

0 comments: